Paraan ng Pagkuha ng PSA Birth Certificate Online

 

Ang pag-aaply sa abroad ay maraming proseso at isa na dito ay ang pagkuha ng PSA Birth Certificate. Isa sa maginhawang paraan Upang maiwasan ang mahabang pila at matrapik na byahe ay ang pag request ng PSA Birth Certificate thru Online.

Narito ang Step by Step Procedures ng pag request ng PSA Birth Certificate.

Step 1:

Magbukas ng browser at puntahan ang website ni PSA/NSO: nsohelpline.com/order-now

 

Step 2:

Pindutin ang Birth Certificate Icon.

 

PSA Birth Certificate Online Form 1


Step 3:

Alamin at piliin kung para saan kailangan ang irerequest na PSA Birth Certificate (sa sample pic , ito ay request for Employment Abroad). Pagkatapos pumili pindutin ang Submit Button.

 

PSA Birth Certificate Online For employment abroad

Step 4:

Fillup-an ang form at siguraduhin na tama ang impormasyon na ilalagay at i-click ang Continue.

 

PSA Birth Certificate Online App;ication Form
PSA Birth Certificate Online Form 2

Step 5:

Pumili sa mga option kung may mga legal proceedings sa iyong Birth Certificate kung wala ay pindutin ang “None” Button

 

PSA Birth Certificate Online Form Legal Proceedings

Step 6:

Ilagay ang pangalan ng Requester ng PSA Birth Certificate at i-click ang Submit Button.

 

PSA Birth Certificate Online Who is requesting


Step 7:

Fillup-an ang Contact Info at i-click ang Continue. (Siguraduhin na tama ang detalye)  at Pumili ng Payment Channel.

 

PSA Birth Certificate Online Form Checkout

PSA Birth Certificate Online Order Confirmation

PSA Birth Certificate Online Payment options

Step 8:

Makakatanggap ka ng text at email para sa iyong reference no. na iyong ipapakita sa pagbabayad. Pagkatapos magbayad, mag-antay ng 2-3 araw para sa delivery ng iyong requested PSA Birth Certificate.

 

Para sa karagdagan detalye tungko sa application ng PSA Birth Certificate, bisitahin ang http://nsohelpline.ph/ o tawagan ang PSA hotline 737-1111 .